Ayon sa ulat ng "People's Daily," isinapubliko kahapon, Enero 27, 2016, ng United Nations Department of Economic and Social Affairs (UNDESA) ang "Kalagayan at Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig sa 2016" na nakasaad na bagama't mabagal ang paglaki ng kabuhayan nitong ilang panahong nakalipas, ang Silangang Asya at Timog Asya ay mananatili pa ring rehiyong may pinakamabilis na paglaki ng kabuhayan sa daigdig mula 2016 hanggang 2017.
Ayon sa nasabing ulat, ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng naturang dalawang rehiyon ay may pag-asang aabot sa 5.8% mula taong 2016 hanggang 2017, mula 5.7% noong isang taon.
Salin: Li Feng