Nakipagtagpo kahapon, Enero 27th, 2016, sa Vientiane, kabisera ng Laos, si Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos ng bansang ito, kay Song Tao, Espesyal na Sugo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Ministro ng International Department ng CPC.
Iniabot ni Song kay Choummaly Sayasone ang mainit na pagbati ni Xi. Ipinahayag niyang nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang palalimin, kasama ng Laos, ang relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Choummaly Sayasone na nakahanda siyang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng dalawang bansa.