Kinumpirma kagabi, Lunes, unang araw ng Pebrero 2016, ng Ministri ng Suliraning Sibil ng Afghanistan, na 20 katao ang nasawi, at 29 iba pa ang nasugatan sa suicide bombing na naganap nang araw ring iyon sa Kabul, kabisera ng bansang ito.
Naganap ang naturang pagsabog sa labas ng gusali ng civil order police, isang sangay ng Afghan National Police sa kanlurang bahagi ng Kabul. Ayon sa mga saksi, nagtangka ang suicide bomber na pumasok sa naturang gusali, at pinasabog niya ang bomba pagkaraang pigilin ng mga guwardiya.
Inangkin na ng Taliban ang responsibilidad sa insidenteng ito.
Salin: Liu Kai