Inimbitahan kamakailan ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang mga lider ng bansang ASEAN na kalahok sa Pulong ng mga Lider ng Amerika at ASEAN na gaganapin sa California.
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Pebrero 4, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na maligayang nakikita ng Tsina ang ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon ng Amerika at mga bansang ASEAN. Aniya, umaasa ang Tsina na makakabuti ang nasabing relasyon sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyong ito.
Dagdag pa niya, umaasa ang Tsina na ipagkakaloob ng panig Amerikano ang ilang aktuwal na tulong para sa sustenableng pag-unlad ng mga bansa sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng