|
||||||||
|
||
Kaugnay ng paglulunsad ng Hilagang Korea ng satellite, sinabi ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinalulungkot ng panig Tsino ang naturang aksyon ng Hilagang Korea.
Sinabi ni Hua na may kapangyarihan ng Hilagang Korea sa mapayapang paggamit ng kalawakan, pero ang naturang kapangyarihan ay inilimitahan pa rin ng resolusyon ng UN Security Council.
Sinabi pa ni Hua na dapat isakatuparan ang pangmatagalang katatagan at kapayapaan sa Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Dagdag pa niya, dapat mapanumbalik ng mga may kinalamang panig ang diyalogo sa lalong madaling panahon para maiwasan ang paglala ng kasalukuyang tensyon sa rehiyong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |