|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Beijing ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado o Pamahalaang Sentral ng Tsina, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Chinese New Year.
Dumalo sa resepsyong ito ang liderato ng CPC at pamahalaang Tsino na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan at Zhang Gaoli, at ibang 2000 kinatawan ng iba't ibang sektor ng Tsina.
Sa resepsyong ito, nagbatian si Li Keqiang, sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC at Pamahalaang Tsino, ng maligayang bagong taon sa lahat ng mga mamamayang Tsino at ethnikong Tsino sa ibayong dagat.
Sinabi ni Li na sa taong 2016, patuloy at buong sikap na pasusulungin ng pamahalaang Tsino ang reporma sa estrukturang pangkabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga kababayang Taiwanese na apektado sa malakas na lindol.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |