|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagsisimula ng Timog Korea at Amerika ng talastasan hinggil sa pagdedeploy ng Terminal High-Altitude Area Defense (THAAD) System sa Timog Korea, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matamang sinusubaybayan ng panig Tsino ang isyung ito.
Sinabi ni Hua na malinaw at palagian ang paninindigang Tsino sa isyu ng anti-missiles. Ang aksyon ng isang bansa sa pangangalaga sa sariling katiwasayan ay hingi dapat makapinsala sa kapakanang panseguridad ng ibang mga bansa.
Dagdag pa niya, kung idedeploy ang THAAD System sa Timog Korea. ito ay makakabuti sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito at maayos na paglutas sa isyu ng Hilagang Korea.
Hinimok niya ang mga may-kinalamang bansa na maingat na hawakan ang isyung ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |