|
||||||||
|
||
Mula ika-7 hanggnag ika-13 ng Pebrero ay ang Spring Festival season ng Tsina. Sa iba't ibang lugar sa bansa, idinaos ang mga aktibidad na may katutubong katangian bilang pagdiriwang sa pestibal na ito.
Sa Beijing, ang temple fair ay isang representatibong aktibidad para magpalipas ng Spring Festival. Makikita roon ang mga meryenda, makakabili ng mga trandisyonal na handicraft, at makakapanood ng mga palabas.
Bukod sa Beijing, ang ibang mga lunsod ay mayroon ding sariling aktibidad bilang pagdiriwang sa Spring Festival na gaya ng pagtatanghal ng mga bulaklak sa Guagnzhou, at pestibal ng mga lantern sa Zigong.
Pero kumpara sa ilang taong nakalipas, mas kaunti ang mga tao na nagpaputok para mabawasan ang emisyon at polusyon sa hangin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |