|
||||||||
|
||
Isang pambobomba ang naganap kahapon, February 8th, 2016, sa Lalawigang Paktika ng Afghanistan na nagresulta sa pagkasawi ng 6 na sibiliyan, at pagkasugat ng 9 na iba pa.
Sinabi ni Attaullah Fazli, Pangalawang Gobernador ng nasabing lalawigan, na ang pambobomba ay naganap sa isang palengke, at walang anumang pulis at kawal ang nandoon nang maganap ang pambobomba.
Ipinahayag niyang isinasagawa na ng pamahalaan ang imbestigasyon hinggil dito.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang anumang organisasyon ang umaako ng responsibilidad sa pambobomba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |