|
||||||||
|
||
Sa pinakahuling ulat, ang pinagsanib na benta ng mga kasapi ng CAMPI at Truck Manufacturers' Asociation ay umabot sa 23,808 units at mas mataas sa 18,662 units noong buwan ng Enero 2015. Umabot ang paglago sa taas na 27.6% kung ihahambing sa datos noong nakalipas na taon.
Umabot sa halos 20% ang itinaas ng mga pampasaherong kotse mula sa 7,200 units noong 2015 ay umabot sa 8,631 units nitong nakalipas na Enero 2016. Lumago rin ang benta ng commercial vehicles mula sa 11,462 units na naipagbili noong Enero ng 2015 ay natamo ang 15,176 units nitong nakalipas na Energoi.
Ang Asian Utility Vehicles ay lumago mula 3,542 units noong Enero ng 2015 at umabot sa 4,7809 units nitong nakalipas na Enero samantalang ang Sports Utility Vehicles ay kinakitaan ng paglagong 29%. Ang Light Duty Trucks and Buses ay kinakitaan ng 42% pag-unlad sa pagkakaroon ng 392 units o 42% paglago. Ang Heavy Duty Trucks naman ang nanguna sa commercial vehicle sector na nagkaroon ng 188% growth sapagkat mula sa 59 na units na naipagbili noong Enero ng 2015 ay nagtamo ng 170 units nitong nakalipas na buwan.
Ani Atty. Gutierrez, umaasa sila ng matumal na bentahan sa pagtatapos ng Disyembre na karaniwang kinatatampukan ng malalaking gastos.
Nanguna pa rin ang Toyota Motors Philippine Corporation sa pagkakaroon ng 39.2% market share. Pangalawa ang Mitsubishi Motors Corporation na nagkaroon ng 20.4% samantalang pangatlo ang Ford Motors Philippines na nagkaroon ng 10.3%. Pang-apat naman ang Isuzu Philippines Corporation na nagkamit ng 8.3% at panglima ang Honda Cars Philippines na nagtamo ng 7.4%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |