|
||||||||
|
||
Sa isang press conference sa Quezon City, ang grupong FAITH.e na nangangahulugan ng Fairness, Accuracy, Integrity, Transparency and Honesty in Elections ang humiling sa Comelec na ibalik ang security features ayon sa batas, sa RA 9369 na hindi ipinatupad noong 2010 at 1013 elections.
Ani Votenet Philippines Chair at World Evangelical Alliance Bishop Efraim Tendero na hinihiling nila sa administrasyon, sa COMELEC, na ibalik ang security features na binabanggit sa batas. Wala rin silang hinihiling na anumang bago, dagdag pa ni Bishop Tendero.
Ang koalisyon ay binubuo ng mga lider ng Roman Catholic, Protestant, Evangelical at Muslim church and religious groups. Dapat lamang umanong ipatupad ang voter-verifiable paper audit trail, pagpapatupad ng tunay na random manual audit matapos ang eleksyon, pagbabalik-aral sa source code upang makalahok ang iba pang grupo, paggamit ng digital signatures ng mga guro o Board of Election Inspectors at ballo verification sa pamamagitan ng ultra-violet detectors upang mabatid ang mga pekeng balota.
Ani Bishop Broderick Pabillio, nakapagtataka kung paano ipinatupad ng Comelec ang dalawang magkasunod na halalan ng walang security features tulad ng sinasabi ng Republic Act 9369.
Ipinagtanong ni Bishop Pabillo kung bakit walang pinanagot sa paglabag na ito sa batas samantalang kung karaniwang tao ang lalabag sa batas ay tiyak na pananagutin ng pamahalaan.
Niliwanag ng grupo na wala silang iiindorsong kandidato para sa halalan sa Mayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |