Ayon sa Xinhua News Agency, bilang tugon sa six-monthly report na ipinalabas kamakailan ng Pamahalaang Britaniko hinggil sa isyu ng Hong Kong, ipinahayag kahapon, Pebrero 12, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatan ang anumang bansa na manghimasok dito. Aniya, hinihiling ng panig Tsino ang panig Britaniko na dapat maging maingat sa kanyang pananalita at aksyon, at dapat ding itigil ang panghihimasok sa suliranin ng Hong Kong.
Ani Hong, sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, natamo ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ang kapansin-pansing tagumpay. Dagdag pa niya, buong tatag at hindi nagbabago ang determinasyon ng Pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Salin: Li Feng