|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng "Lianhe Zaobao" ng Singapore, isang ulat ang isinapubliko kamakailan ng Pamahalaang Thai kung saan nakasaad na noong isang taon, 83 dayuhang turista ang naitalang nasawi sa Thailand. Ito ay mas malaki ng 54% kumpara sa taong 2014. Kaugnay nito, sinimulang pag-aralan ng Ministri ng Turismo at Palakasan ng bansang ito kung paano mapapalakas ang seguridad para sa mga turista.
Ayon pa sa nasabing ulat, sa nasabing 83 nasawi, 34 ang namatay dahil sa road traffic accidents, 9 ang dahil sa paglangoy o pamamangka, at ang iba pa ay dahil sa ibang sanhi.
Nitong ilang taong nakalipas, unti-unting lumalaki ang turismo ng Thailand. Noong isang taon, umakyat sa 30 milyon ang bilang ng mga turista sa bansang ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |