Kung tatanungin kung sino ang kasalukuyang pinakapopular na idol sa Tsina, iyan ay walang iba kundi ang grupong TFBoys na binubuo ng tatlong lalaki na 16 taong gulang lamang.
Sumasaklaw ang kanilang fans mula ilang taong bata hanggang ilampung taong lolo at lola.
Si Karry, lider ng TFBoys. Noong ika-21 ng Setyembre ng taong 2014, sa bisperas ng kanyang ika 15 kaarawan, ipinalabas ni Karry Wang ang isang mensahe sa kanyang social media page. Hanggang alas-12 ng madaling araw ng ika-19 ng Hunyo ng taong 2015, umabot sa mahigit 42 milyon ang bilang ng mga repost ng mensaheng ito na naging mesaheng may pinakamaraming repost.
Si Jackson, lead dancer ng TFBoys, sa katatapos na pinakapopular na male artist na pinili ng SDX Life Weekly-isang napakaimpluwensiyal namagazine sa mainland China, siya ay nasa ika-3 puwesto kasunod nina Hu Ge(kasalukuyang pinakapopular male actor sa mainland Tsina) at Lu Han(dating miyembro ng K-Pop Group na EXO).
Si Roy, lead instrumental player at songwriter ng TFBoys, lumampas sa 300 milyong beses ang views ng kanyang kauna-unahang kantang " Yin Wei Yu Jian Ni"(Because Of Meeting You).