Tinalakay kahapon, Pebrero 20, 2016, sa telepono nina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang hinggil sa prosesong pangkapayapaan ng Syria.
Ang makataong kalagayan ng bansang ito at pagtigil ng sagupaan para magkasamang labanan ang terorismo ay mga pangunahing isyu sa kanilang talakayan.
Matamang sinusubaybayan din nila ang paghahatid ng mga makataong tulong sa mga may-sagupaang lugar.
Buong pagkakaisa nilang ipinahayag ang pagpapahigpit ng pagkokoordinahan sa isyung ito.
Salin: Ernest