|
||||||||
|
||
Limang madugong pambobomba
Nitong Linggo ng umaga, niyanig ng twin bombings ang distrito ng Al-Zahra, Homs, lunsod sa dakong gitna ng Syria. Humigit-kumulang 60 katao ang namatay. Ang Al-Zahra ang distritong itinuturing na maka-pamahalaan ng Syria.
Apat na oras pagkaraan ng nasabing atake, tatlong pambobomba ang sumabog sa Sayyidah Zaynab, distrito ng mga Shiite sa timog ng Damascus, kabisera ng Syria. Siyamnapung (90) katao ang namatay at dosena ang nasugatan.
Inamin ng IS ang responsibilidad sa nasabing limang madugong pangyayari.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang nasabing mga pambobomba ay nagpapakita ng matagal nang pagkapoot ng IS sa mga Shiite. Itinuturing ng IS ang Shiite bilang "infidel."
Ang mga sundalo ng hukbo ng Syria habang nagsusuri sa pinagsabugan ng bomba sa distrito ng Sayyidah Zaynab, timog sa Damascus, Syria. Larawang kinunan Feb. 21, 2016. (Xinhua/Yang Zhen)
Medyasyon ng komunidad ng daigdig para sa tigil-putukan
Naganap ang nasabing mga pambobomba habang patuloy ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para magkaroon ng tigil-putukan ang pamahalaan ng Syria at mga armadong grupng kontra sa pamahalaan.
Napag-alamang narating nina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya ang kasunduan hinggil sa mga detalye ng tigil-putukan sa pagitan ng mga nag-aalitang panig ng Syria.
Sa pandaigdig na pulong na idinaos sa Munich, Alemanya noong Pebrero 12, 2016, ipinalagay ng mga kalahok na bansa na kailangang magkaroon ng tigil-putukan ang pamahalaan ng Syria at mga armadong grupo ng bansa para mapapasok ang humanitarian aid.
Isang araw bago naganap ang nasabing mga pambobomba, ipinahayag ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria ang kahandaan ng pamahalaan na itigil ang putukan, sa ilalim ng kondisyon na hindi ito sasamantalahin ng mga terorista.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |