Sisimulan ng Association of Southeast Asian Nations(ASEAN)sa Mayo ng taong ito ang "Proyekto ng mga Lider ng ASEAN" para ibayo pang mapasulong ang proseso ng intergrasyon ng rehiyon.
Ipinahayag ni Elaine Tan, Executive Diretor ng ASEAN Foundation na ang proyekto ay makakatulong sa mga lider ng mga bansang ASEAN na magkaroon ng mas mahigpit na relasyon sa isa't isa para harapin ang mga bagong hamon sa proseso ng intergrasyon ng ASEAN. Ang unang batch ng 70 kalahok ay mga director at executives mula sa iba't ibang sirkulong gaya ng pinansya, manufacturing, academe at serbisyong panlipunan. Magpapalitan sila ng mga karanasan hinggil sa "paggiging smart ng mga lunsod:" ito rin ang kanilang tungkulin sa taong ito.
Bukod dito, pasusulungin din ng proyekto ang pagdaraos ng diyalogo sa pagitan ng mga estudyante ng pamantasan at mga lider sa iba't ibang sirkulo.
salin:wle