Ayon sa ulat kamakailan ng Cable News Network(CNN), ire-renovate ng Singapore ang isang railway corridor para gawing parke, sa buong isla ng Singapore.
Ang nasabing railway corridor ay may habang 24 km, ang bagong parke mula timog patungong hilaga ng buong bansa. Ito ay itatayo sa inabandonang daambakal sa patigan ng Malaysia at railway station ng Tanjong Pagar sa dakong timog ng Singapore. Noong 2011, inilipat ang railway station mula Tanjong Pagar patungo sa Woodlands sa dakong hilaga ng Singapore. Ang parkeng ito ay batay sa estilo ng "High Line Park" sa Manhattan, New York, pero 10 ulit mas mahaba ang parke ng Singapore kumpara sa "High Line Park."
salin:wle