|
||||||||
|
||
Pinaplanong isarado ng Pamahalaang Indones ang lahat ng red-light district ng bansa bago ang taong 2019 para mapawi ang ilegal na pangangalakal ng laman.
Ipinahayag kahapon, Pebrero 24, 2016, ni Khofifah Indar Parawansa, Ministro ng Suliraning Panlipunan ng Indonesia, isasarado ng Pamahalaang Indones ang 68 red-light district, at sa loob ng darating 3 taon, pinaplanong sarhan ng pamahalaan ang iba pang 100 ganitong distrito. Aniya pa, ikinababahala ng pamahalaan ang mga red-light district, dahil ang mga ito ay maaring magdulot ng masamang epekto sa mga batang nakatira sa paligid. Dapat aniyang puspusang pangalagaan ang mga kabataan.
Bagama't ipinagbabawal ang erotic services sa batas ng Indonesia, grabe pa rin ang ganitong serbisyo sa mga pangunahing lunsod ng bansang ito. Noong taong 2014, isinarado ng mayor ng Surabaya, ikalawang pinakamalaking lunsod ng Indonesia, ang itinuturing na pinakamalaking red-light district sa Timog Silangang Asya sa panahong iyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |