|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cabodia——kinatagpo rito kahapon, Pebrero 24, 2016 ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya si Yu Manjiang, Komander ng Chinese Naval Escort Fleet na dumadalaw sa bansa.
Binigyan ng mataas na pagpapahalaga ni Hun Sen ang relasyon ng Tsina at Kambodya at naturang pagdalaw ng Chinese Naval Escort Fleet sa Kambodya. Ipinahayag niyang ang Tsina at Kambodya ay matalik na magkaibigan at mayroong malalim na kooperasyon ang hukbo ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang palalakasin ng hukbong pandagat ng dalawang bansa ang pagpapalitan, pangunahin na, sa larangan ng magkasanib na pagsasanay sa pagbibigay-tulong sa mga ship in distress, pangangalaga sa mga bapor komersyal at iba pa.
Ipinahayag ni Yu Manjiang na nananalig siyang sa hinaharap, tiyak na magiging mas malawak at malalim ang kooperasyon ng hukbong pandagat ng dalawang bansa, at magkasamang magbibigay ang dalawang panig ng ambag para sa katatagan ng rehiyong ito at konstruksyon ng kabuhayan.
Dumating ng Kambodya ang Chinese Naval Escort Fleet noong ika-22 ng buwang ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |