Ipininid kamakalwa, Marso 12, 2016, ang Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-12 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV). Nagkasundo sa sesyon ang mga deputado tungkol sa listahan ng mga nominadong kandidato sa mga posisyon ng pinuno ng mga departamento ng bansa. Ayon sa opisyal at media ng bansang ito, sa mga kagawad ng bagong Pulitburo ng Komite Sentral ng CPV, nai-nominate sina Tran Dai Quang, kasalukuyang Ministro ng Pampublikong Seguridad, Nguyen Thi Kim Ngan, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Aemblea, at Nguyen Xuan Phuc, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam. Magkakahiwalay silang mangangampanya para sa posisyon ng pangulo, tagapangulo ng Pambansang Asemblea, at punong ministro ng naturang bansa.
Ayon naman sa ulat ng Vietnam News Agency (VNA) kahapon, Marso 13, 2016, ipinagdiinan ng Komite Sentral ng CPV na dapat makumpleto ang liderato ng bansa sa lalong madaling panahon. Sinang-ayunan ng Komite Sentral ng CPV na sa gaganaping Ika-11 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Asemblea, maagang tatapusin ang gawain ng nominasyon sa mga mataas na posisyon ng bansa, at ihahalal ang mga pangunahing lider na gaya ng pangulo, punong ministro, at tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng bansa.
Salin: Li Feng