Ipinahayag kahapon, Marso 16, 2016, ng Ministring Panlabas ng Cambodia, ang mainit na pagtanggap sa pangkagipitang pag-release ng Tsina ng tubig sa mababang bahagi ng Mekong River para tulungan ang mga bansa sa paligid ng ilog sa paglaban sa tagtuyot.
Anang pahayag, ang kapasiyahan ng Tsina ay nagpapakita ng mainam na kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa paligid ng Mekong River sa pangangasiwa sa yamang-tubig.
Nauna rito, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isasagawa hanggang ika-10 ng Abril ng panig Tsino ang pangkagipitang pag-release ng tubig sa pamamagitan ng Jinghong hydropower station para mapahupa ang epekto ng tagtuyot sa mga bansa sa rehiyon ng Mekong River na kinabibilangan ng Laos, Myanmar, Cambodia, Thailand, at Biyetnam.
Salin: Ernest