Magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono si Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, kina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Adel al-Jubeir, Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, para talakayin ang isyu ng Syria.
Sa pag-uusap nina Lavrov at Kerry, tinalakay nila ang hinggil sa pagkokoordinahan ng dalawang bansa sa isyu ng Syria, pangangalaga sa kasunduan ng tigil-putukan sa bansang ito, pagpapalawak ng makataong tulong, at pagpapasulong ng paglutas sa isyung ito sa larangang pulitikal.
Sa pag-uusap nina Lavrov at Adel al-Jubeir, nagbigay si Adel al-Jubeir ng mataas na pagtasa sa mga pagsisikap ng Rusya. Sinabi pa niyang kinakatigan ng kanyang bansa ang pagsasakatuparan ng kasunduan ng tigil-putukan sa Syria at pagbibigay-dagok sa mga teroristikong organisasyon.
Salin: Ernest