Ipinalabas kahapon, ika-18 ng Marso, 2016, ng United Nations Security Council (UNSC) ang pahayag, na nagsasaad ng matinding pagkondena at nagpapahayag ng malaking pagkabahala sa paglulunsad ng Hilagang Korea ng mga ballistic missile noong ika-10 at ika-18 ng buwang ito. Muling nanawagan ang UNSC sa H.Korea na itigil ang ganitong aksyon.
Ayon pa rin sa pahayag, lubos na ikinababahala rin ng UNSC ang reaksyon ng H.Korea sa Resolusyon 2270 ng UNSC. Anito, dapat igarantiya ng iba't ibang kasaping bansa ng UN ang komprehensibong pagpapatupad ng naturang resolusyon.
Salin: Liu Kai