|
||||||||
|
||
Sinabi ni Nguyen Sinh Hung, Tagapangulo ng NA na bilang huling sesyon ng kasalukuyang NA, marami silang dapat gawin sa pulong na tatagal hanggang ika-12 ng Abril.
Aniya, sa sesyon, inaasahang maihahalal ang bagong liderato ng Vietnam na kinabibilangan ng pangulo, punong ministro at tagapangulo ng NA. Kasabay nito, susuriin ng NA ang mga panukalang batas na gaya ng Law on Access to Information, sinusugang Law on Conclusion, Accession and Implementation of International Treaties, amendadong Law on Media, sinusugang Law on Child Protection, Care and Education, sinusugang Law on Pharmacy at iba pa.
Bukod dito, susuriin at pagtitibayin ang panlimahang taong pambansang planong pangkabuhaya't panlipunan ng Vietnam para sa 2016-2020. I-a-adopt din ng sesyon ang kasunduan hinggil sa visa issuance sa pagitan ng Vietnam at Estados Unidos.
Seremonya ng pagbubukas ng ika-11 taunang sesyon ng Ika-13 National Assembly (NA), punong lehislatura ng Vietnam (Photo credit: Xinhua)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |