|
||||||||
|
||
Binuksan nitong Lunes, Marso 21 sa Kuala Lumpur, Malaysia ang "2016 China Film Week." Limang (5) pelikulang Tsino ang piniling ipalabas sa loob ng isang linggo para sa mga manonood na Malaysian.
Sinabi ni Mohd Khusairi Abdul Talib, Direktor ng National Film Development Corporation ng Malaysia (FINAS), na ang aktibidad na ito ay nakakabuti sa pagpapataas ng lebel ng pagpapalitang kultural ng Malaysia at Tsina, at nagsisilbi itong tulay para sa ibayo pang pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas ng aktibidad, ipinahayag ni Liang Ge, Pangalawang Direktor ng Kawanihan ng Pelikula ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Tsina (SAPPRFT), na gumaganap ang mga pelikula ng mahalagang papel sa walang humpay na pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Malaysia. Umaasa niya siyang mas lalalim ang pagkakaunawa ng mga Malaysian sa industriya ng pelikulang Tsino, at mas marami namang pelikulang Malaysian ang papasok sa pamilihang Tsino.
Ang nasabing 5 pelikula ay kinabibilangan ng Monkey King: Hero is Back, Go away Mr. Tumor, Wolf Totem, Monster Hunt, at Lost in Thailand.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |