|
||||||||
|
||
NANGAKONG pag-iibayuhin ang internal control at operations ng Rizal Commercial Banking Corporation matapos mapasok ng may US$81 milyon mula sa Bangko Sentral ng Bangladesh na kagagawan ng hackers.
Sa isang pahayag, sinabi ng bangko na humihingi sila ng paumanhin sa pagkakasangkot ng ilang mga tauhan sa money laundering scheme na sinisiyasat ng Senate Blue Ribbon Committee at Anti-Money Laundering Council.
Sa isang public statement, tutulong ang Rizal Commercial Banking Corporation sa pagsisiyasat ayon sa itinatadha ng batas.
Mayroon na rin umano silang ginagawang imbestigasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |