|
||||||||
|
||
HALOS patapos na ang paghahanda ng Department of Education at ng pamahalaang panglalawigan ng Albay para sa ika-59 na Palarong Pambansa na gagawin sa Albay Sports and Tourism Complex sa Legazpi City mula ika-10 hanggang ika-16 ng Abril. Ito ang unang pagkakataong magiging punong-abala ang Albay sa isang linggong paligsahan.
Sinabi ni Albay Governor Jose Sarte Salceda na marapat lamang maging bahagi ang palakasan sa edukasyon sapagkat magkikintal ito ng mahahalagang bagay at pag-uugali para sa mga kabataan. Ito rin ang magiging daan upang makilala ang mga my kakayahang makipagtunggali sa pinakamagagaling ng iba't ibang bansa sa rehiyon at maging sa daigdig.
Maglalaro ang mga kabataang mula sa elementary at secondary schools mula sa mga pribado at pangpublikong paaralan. May 18 rehiyon ang lalahok kabilang na ang katatatag na Negros Island Region. May 15 mga palaro sa elementary level at 17 para sa secondary schools.
May apat na demonstration sports sa Palaro, ang mga ito'y ang Futsal, Wushu, Billardes at Wrestling. Mababatid kung makakasama na sa susunod na palaaro ang mga paligsahang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |