|
||||||||
|
||
Sinabi ni Fr. Regie Malicdem, chancellor ng Manila Archdiocese na ang mga pilgrim ay nagsimulang dumalaw noong nakalipas na Pebrero subalit dadagsa sila mula bukas hanggang sa Sabado.
Marami na rin ang gumagawa nito pagsapit ng Sabado at Linggo subalit ang karamihan ay sa pagsasagawa ng kanilang Visita Iglesia.
Ang mga simbahang deklaradong pilgrim churches ay ang Santuario de Santo Cristo sa San Juan, Archdiocesan Shrine of the Sacred Heart sa Mandaluyong, National Shrine of the Sacred Heart sa Makati, Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City.
Naunang nanawagan si Pope Francis na gumawa ng pilgrimade sa taong kinikilalang Extraordinary Jubilee Year of Mercy.
Sa simbahang kilala sa pangalang San Agustin church sa Intramuros, sinimulan na kagabi ang tradisyunal na Pabasa, ang pag-awit ng pasyon ng Panginoong Hesukristo. Naglagay na rin sila ng 14 na magkakalapit na krus para sa para sa tradisyunal na Stations of the Cross sa loob ng patio nito sa Intramuros.
TRADISYONG FILIPINO MAHALAGA PA RIN. Sinimulan na ng mga mananampalataya ang pagbasa ng Pasyon ng Panginoong Hesukristo sa patio ng Our Lady of Correa Parish sa Intramuros. Ang Pabasa ay tumatagal ng halos 24 na oras at ayon sa kinagigiliwang awitin ang nagiging himig nito. (Melo M. Acuna)
ANG DAAN NG KRUS. Isa sa mga tradisyon ng mga Filipino ang pagbabalik sa Daan ng Krus, ang pagninilay sa paglalakbay ni Hesukristo tungo sa pagkakapako sa Krus. Bagama't maikli ang mga panalangin, katatagpuan ito ng mga paglalarawan ng Kalbayro ng Panginoong Hesukristo. (Melo M. Acuna)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |