Kaugnay ng bagong batas ng seguridad ng Hapon, sinabi ngayong araw, March 23, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na pulutin ng Hapon ang aral ng kasaysayan at maging maingat sa larangang panseguridad at militar.
Ipinasiya kahapon ng pamahalaang Hapones na opisyal na paiiralin ang naturang batas sa ika-29 ng buwang ito na magbibigay-pahintulot na isagawa ng hukbong Hapones ang aksyong militar sa buong daigdig.
Sinabi ni Hua na dapat igiit ng Hapon ang landas ng mapayapang pag-unlad para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asyano.