Muling sasalubungin ng mga estudyante dito sa Tsino ang panahon ng graduation. Kamakailan, bilang paggunita sa kanilang campus life, ilang mga estudyanteng nag-aaral ng siyensiyang geograpikal sa Yunnan Norma University ng Tsina, ay kumuha ng ilang napakaespesyal na litrato at nanawagan sa lahat ng tao na mapangalagaan ang mundo.
Sabi ni Xu Leiyan, monitor ng nasabing mga estudyante na habang hinihintay ang kanilang graduation sa June, umaasa ang mga estudyante na puwedeng kumuha ng isang serye na graduation photo na may elemento ng kanilang pinag-aralan at sa inspirasyon ng isa sa kanilang subject--map drawing, inimungkahi ng magkakaklase na gamitin ang mapa ng daigdig at Tsina bilang pangunahing tema ng kanilang graduation photo.