|
||||||||
|
||
Dinakip kahapon, Biyernes, ika-25 ng Marso 2016 sa Brussels, ng panig pulisya ng Belgium ang isang suspek na may kinalaman sa teroristikong pag-atake. Natuklasan ang pampasabog sa paketeng dala ng suspek na ito.
Ayon sa kapulisan ng Belgium, pinaniniwalaang may kinalaman ang naturang suspek sa panibagong tangka ng teroristikong pag-atake na napigil ng Pransya.
Nauna rito, ipinatalastas kamakalawa ng panig pulisya ng Pransya, na napigil nila ang planong teroristikong pag-atake sa loob ng Pransya. Dinakip din nila sa kanugnog ng Paris ang isang lalaking suspek.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |