Ipinahayag nitong Huwebes, March 31, 2016, ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na tinatayang hanggang sa taong 2019, kikita ng 4 bilyong dolyares ang industriya ng marine tourismo ng bansa.
Sinabi niyang malawak ang kinabukasan ng industriyang ito dahil sa mahabang baybaying dagat at mayamang tanawing pandagat ng Indonesia. Buong sikap aniyang pasusulungin ng pamahalaang Indones ang mga konstruksyong may kinalaman sa nasabing industriya.
Dagdag pa niya, sa hinaharap, pahihigpitin ng Indonesia ang pagpo-promote sa marine tourism sa loob at labas na bansa, itatayo ang 10 bagong sona ng marine tourism, isasapubliko ang mga patakaran sa pagkatig sa pag-unlad ng industriyang ito, at ituturo ang mas maraming talento para rito.
Salin: Ernest