|
||||||||
|
||
Sa kanilang 2 oras na pag-uusap, sinang-ayunan ng dalawang panig ang patuloy na pagpapalalim ng mga kooperasyon sa iba't ibang larangan, pagpapahigpit ng pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig, papapalawak ng komong kapakanan at pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Ang mga aktuwal na natamong bunga ng pag-uusap nina Xi at Obama ay hindi lamang may kinalaman sa kapakanan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti rin sa kapakanan ng buong sangkatauhan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Una, buong sikap na pagpapalalim ng Tsina at Amerika ng mga aktuwal na kooperasyon, at konstruktibong hahawakan ang mga hidwaan para pasulungin ang konstruksyon ng bagong istilo ng relasyon ng mga malaking bansa.
Ikalawa, itinakda nilang magtagpo muli sa G20 Summit na idaraos sa darating na Setyembre sa Hangzhou ng Tsina. Nakahanda silang magkasamang magsikap para pahigpitin ang pagkokoordinahan at pag-uugnayan sa mga patakaran ng macro-economy at igarantiya ang tagumpay ng G20 Summit.
Ikatlo, isinapubliko ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagbabago ng klima at ipinatalastas ang paglagda sa Paris (Climate Change) Agreement sa ika-22 ng buwang ito.
Ika-apat, buong sikap na pasusulungin ang talastasan hinggil sa kasunduan ng pamumuhunan para marating ang isang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan sa lalong madaling panahon.
Ikalima, isinapubliko ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag ng kooperasyon hinggil sa seguridad na nuklear para pasulungin ang pagkakaroon ng aktibong bunga sa Nuclear Security Summit.
Ika-anim, pahihigpitin ng dalawang bansa ang mga aktuwal na kooperasyon sa militar, kultura, cyber space, pagpapatupad sa batas, paglaban sa korupsyon at paglaban sa terorismo.
Ikapito, buong sikap na hahawakan ang mga sensitibong isyung panrehiyon sa konstruktibong paraan at isasagawa ang aktibong pagpapalitan at pagtutulungan sa mga suliranin sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ikawalo, pananatilihin ng dalawang bansa ang mahigpit na pag-uugnayan at kooperasyon sa mga mahalagang isyung gaya ng isyung nuklear sa Korean Peninsula at Iran, Afghanistan, pandaigdigang kalusugan, kaunlaran at aksyong pamayapa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |