Nakipagtagpo kahapon sa Washington D.C. si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Mauricio Macri ng Argentina.
Tinukoy ni Xi na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Agentina, nitong mahigit 40 taong nakalipas. Nananatiling maganda ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at mabungang mabunga ang kooperasyon sa iba't ibang aspektong tulad ng kabuhaya't kalakalan, pamumuhunan at agrikultura. Masigla pa rin ang pagpapalitang pangsibilisasyon. Umaasa aniya ang panig Tsino na ibayo pang mapapasulong ang relasyong Sino-Agentina sa bagong antas.
Ipinahayag naman ni Macri na maganda ang relasyong Sino-Argentina at malaki ang potensiyal nito. Umaasa pa siyang mapapalawak ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pinansiya, turismo, palakasan at iba pang aspekto. Bukod dito, nagpahayag pa si Macri ng pagkatig sa Tsina sa pagdaraos ng G20 Summit sa Hangzhou.