Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dalubhasa at iskolar sa buong mundo, nagbigay ng positibong pagtasa sa talumpati ni Xi Jinping sa NSS

(GMT+08:00) 2016-04-03 11:10:12       CRI

Sa katatapos na Ika-4 na Nuclear Security Summit (NSS) na idinaos noong unang araw ng Abril sa Washington D.C., Amerika, komprehensibong inilahad ni Pangulong Xi Jinping ang mga patakaran at paninindigan ng Tsina, isinalaysay ang bagong progreso ng Tsina sa larangan ng seguridad na nuklear, at ipinatalastas ang mga hakbangin ng bansa sa pagpapalakas ng seguridad na nuklear at pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig.

Tungkol dito, magkakasunod na nagbigay ng positibong pagtasa ang mga dalubhasa at iskolar sa buong mundo.

Ipinalalagay ni Daniel Lipman, Pangalawang Direktor ng Nuclear Energy Institute ng Amerika na magkasundo ang mga may kinalamang mungkahing iniharap ni Pangulong Xi at ang pangangailangan ng komunidad ng daigdig at iba pang bansa sa pagpapalakas ng seguridad na nuklear. Ikinasisiya aniya makita ang positibong papel pinapapatingkad ng Tsina at Amerika sa pangangalaga sa seguridad na nuklear at tunguhin ng dalawang bansa sa pagpapalakas ng kooperasyon sa kalakalang nuklear sa pansibilyang gamit.

Ipinahayag naman ni Zhu Jianrong, professor ng Toyo Gakuen University ng Hapon na binigyang-diin ni Pangulong Xi ang kahalagahan ng pagpapatatag at pagpapalakas ng pandaigdigang sistema ng seguridad na nuklear at ang Tsina ay nagiging tagapagtatag at tagapagpasulong ng sistemang ito.

Ipinalalagay ni Li Renliang, isang dalubhasa galing sa National Institute of Development Administration ng Thailand na ang tampok sa talumpati ni Xi ay pagkabalanse ng kakayahan at responsbilidad, karapatan at pananagutan. Naipakita rin aniya nito ang determinasyon ng Tsina sa paglahok sa pamamahalang nuklear ng buong daigdig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>