|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos sa ulat, noong 2014, umabot na sa 422 milyon ang mga nasa gulang na nagkakaroon ng diabetes sa buong daigdig. Ang bilang na ito ay 8.5% ng populasyon ng buong daigdig. Noong 1980, ang bilang ay 107 milyon at ang bahagdan ay 4.7% lamang.
Anito pa, ang overweight at obesity ay pangunahing dahilan ng sakit na ito. Ayon sa ulat, noong 2014, mahigit 1/3 adult ay overweight at 1/10 naman ang mataba.
Nakasaad sa ulat na ang pagkakaroon ng diabetes ay may pangunahing epektong pangkalusugan at epektong socioeconomic, lalo na sa mga umuunlad na bansa. Anito pa, maaari itong mauwi sa heart attack, stroke, blindness, kidney failure, at lower limb amputation. Noong 2012, 1.5 milyong tao ang namatay sa diabetes.
Diabetes, mapipigil at makokontrol
Ayon kay Oleg Chestnov, WHO Assistant Director-General for Noncommunicable Diseases (NCD) and Mental Health, karamihan ng kaso ng diabetes ay maaaring mapigil at mayroon ding mga hakbangin para malaman at makontrol ang kondisyon. Nanawagan siya sa mga pamahalaan ng iba't ibang bansa para magsagawa ng epektibong hakbangin para matugunan ang NCD na kinabibilangan ng diabetes, batay sa mga dokumento na gaya ng 2014 UN General Assembly Outcome Document on Noncommunicable Diseases at WHO Global Action Plan for the Prevention and Control of NCDs.
Ipinagdiinan naman ni Etienne Krug, Director ng WHO Department for the Management of NCDs, Disability, Violence and Injury Prevention, na ang pagpapasulong ng access sa insulin at NCD medicine ay dapat maging priyoridad dahil madaling nakukuha lamang sa 1/3 ng mga pinakamahirap na bansa sa daigdig ang mga pangunahing teknolohiya at diabetes medicine na kinabibilangan ng insulin.
Malusog na paraan ng pamumuhay, hinihikayat
Sinabi naman ni Margaret Chan, WHO director-general, na upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng diabetes cases, kailangang kumain nang malusog, maging aktibo ang katawan, at iwasan ang pagiging overweight.
Noong 1948, idinaos ng WHO ang First World Health Assembly kung saan itinakda ang April 7 bawat taon bilang World Health Day. Ang Unang World Health Day ay ipinagdiwang noong 1950.
File photo ng isang babaeng kinukunan ng blood sugar test sa World Diabetes Day event sa Zagreb, kabisera ng Croatia, Nov. 14, 2015. (Xinhua/Miso Lisanin)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |