Ipinahayag kahapon, April 9, 2016, ni Shen Changyu, Puno ng State Intellectual Property Office (SIPO) ng Tsina, na sa darating na limang taon, buong sikap na patatatagin ng Tsina ang isang komprehensibong sistema ng pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR). Ito aniya ay para palalimin ang pagtutulungan at pagkokoordinahan ng iba't ibang may kinalamang panig sa pangangalaga sa IPR.
Winika ito ni Shen sa 2016 China Intellectual Property Summit sa Beijing. Sinabi niyang sa kasalukuyan, kinakailangan pa rin ang pagpapabuti ng mga may kinalamang batas. Dagdag pa niya, hindi pa rin maayos ang mga kooperasyon ng departamentong administratibo at lehisletura sa pangangalaga sa IPR.
Bukod dito, sinabi ni Shen na sa susunod na yugto, ibayo pang pahihigpitin ng Tsina ang pangangalaga sa IPR sa mga bagong sibol na industriya na gaya ng internet at e-commerce, at buong sikap na pangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal Tsino sa ibayong dagat.