Binabalak ng Tsina at Malaysia na buuin ang "koalisyon ng port" para pasulungin ang bilateral na kalakalan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hadlang sa adwana.
Sinabi ni Huang Huikang, Embahador Tsino sa Malaysia, na ang pagpapahigpit ng kooperasyon sa port ay magpapalalim ng ugnayan ng dalawang bansa sa komersyo, kalakalan, at turismo.
Ang naturang "koalisyon" ay magpapasulong ng kooperasyon ng 10 daungan ng Tsina at 6 na puwerto ng Malaysia.
Ang 10 daungan ng Tsina ay kinabibilangan ng Dalian, Shanghai, Ningbo, Qinzhou, Guangzhou, Fuzhou, Xiamen, Shenzhen, Hainan at Taicang.
Samantala, ang 6 na puwerto ng Malaysia ay kinabibilangan ng Klang Port, Malacca Strait, Pulau Pinang, Johor state, Kuantan, at Bintulu Port.