|
||||||||
|
||
BENTA NG MGA SASAKYAN SA PILIPINAS, LALAGO. Umaasa si G. Satoru Suzuki (gitna), pangull ng Toyota Motor Philippines na digit na tataas ang tayo ng kanilang kumpanya sa Pilipinas sa world market sa pagkakaroon ng pinakahuling bersyon ng All-Purpose Vehicle na Innova sa pamilihan. (Melo M. Acuna)
UMAASA ang pamunuan ng Toyota Motor Philippines na aabot sa 22,000 units ng bagong Innova ang kanilang maipagbibili ngayong 2016. Magsisimulang ipagbili na ang bagong sasakyan sa susunod na linggo.
Ginastusan ng aabot sa P 3.5 bilyon ang pagdidisenyo at paggawa ng bagong modelo ng Innova, ang pinakamabiling sasakyan sa bansa. Pawang Euro-4 compliant ang mga makina at sasakyang ipinagbibili ng kumpanya.
Ayon kay Satoru Suzuki, pangulo ng Toyota Motor Philippines, umaasa siyang higit na gaganda ang kanilang katayuan sa world market sapagkat noong nakalipas na taon ay pang-13 ang kumpanya sa Pilipinas at natamo na ang ika-sampung puesto kaya't lalong maganda ang pagtanggap ng mga mamimili sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Suzuki na mula ng ipakilala ang Toyota Innova sa Pilipinas mga sampung taon na ang nakararaan, patuloy itong tinangkilik ng mga mamimili sapagkat umabot na sa 138,504 na unit ang kanilang naipagbili hanggang noong Disyembre ng 2015 at nagtaglay ng 34% ng buong market share sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |