Ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Abril 2016, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 6.7% ang paglaki ng GDP ng Tsina.
Ayon kay Sheng Laiyun, Tagapagsalita ng naturang kawanihan, ang 6.7% na paglaki ay angkop sa nakatakdang target ng pamahalaang Tsino, at ito ay itinuturing na katamtamang paglaki.
Sinabi rin ni Sheng, na batay sa mga ibang estadistikang pangkabuhayan na ipinalabas nauna rito, maganda ang kalagayan ng hanapbuhay, kita ng mga mamamayan, at takbo ng mga bahay-kalakal ng Tsina. Dagdag niya, kung tatasahan ang mga ito, maaring sabihing lumitaw ang matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai