Naganap kaninang madaling araw, Sabado, ika-16 ng Abril 2016, sa Kumamoto Prefecture ng Hapon, ang 7.3-magnitude na lindol, na ikinamatay na ng 15 katao, at ikinasugat ng mahigit sa 1 libo.
Malakas ang pagyanig na dulot ng lindol na ito, at marami ang mga aftershock. Nawasak ang maraming tirahan at mga imprastruktura na gaya ng tulay at tunnel. Naputol ang suplay ng koryente, tubig, at natural gas sa nilindol na lugar. Sarado naman ang daambakal at paliparan.
Sa kasalukuyan, ipinadala na ng pamahalaan ng Hapon ang rescue team sa nilindol na lugar.
Salin: Liu Kai