|
||||||||
|
||
APAT na Indones ang dinukot ng mga armadong kalalakihan kagabing ika-anim at kalahati ng gabi sa Sabah, Malaysia.
Ayon kay Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng AFP Southwestern Command, naganap ang pagdukot sa karagatan malapit sa Pondo Sibugal sa Sitangkai, Tawi-tawi.
Ang apat na kalalakihang biktima ay mga tauhan ng tugboat Henry na dinukot ng lima hanggang pito kataong pawang armado.
Ginamit ng isang kulay abuhin at bughaw na speedboat. Hindi nagalaw ang anim na kasama ng mga biktima samantalang isa ang nasugatan at dinala sa Sempornah Hospital sa Sabah, Malaysia upang magamot. Hindi kinilala ang nasugatang tripulanteng tumangging sumama sa mga armado.
Hindi masabi ni Major Tan kung Abu Sayyaf ang nasa likod ng krimen sapagkat wala pang pahayag ang grupo. Wala pa ring hinihingi ang mga dumukot sa mga kalalakihan.
May naunang dinukot ang mga armado mga ilang linggo na ang nakalilipas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |