|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng news agency ng Lebanon, dumalaw si Hollande sa tirahan ng mga Syrian refugee sa Bekaa, Lebanon. Nang mabanggit ang kalagayan ng kalusugan at edukasyon ng mga bata, sinabi ni Hollande na dapat matamo nila ang edukasyon, upang magkaraan sila ng kakayahan na lumahok sa rekonstruksyon ng kanilang bansa pagkaraang makauwi. Kung maisasakatuparan ang kapayapaan sa Syria, saka lamang makakauwi ang mga refugee sa kanilang bansa, aniya pa. Hinimok niya ang iba't ibang may kinalamang panig ng Syria na lutasin ang krisis sa pamamagitan ng pulitikal na paraan.
Ipinangako rin ni Hollande na magkakaloob ang Pransya ng mas maraming tulong sa mga refugee ng Syria, at magbibigay-tulong din sa Syria para hanapin ang pulitikal na paraan ng paglutas sa isyu. Aniya, tinanggap na ng Pransya ang mga 1000 refugee ng Syria noong taong 2015, at sa 2016 at 2017 taon, tatanggap pa ito ng 2,000 iba pa.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |