Ayon sa estadistika na isinapubliko kamakailan ng awtoridad na pang-edukasyon ng Tsina, lumampas sa 390 libo ang bilang ng mga estudyanteng dayuhan sa Tsina noong 2015. Ito ay mas malaki ng mahigit 5% kumpara sa 2014. Sila ay nag-aral sa 811 unibersidad, kolehiyo, at institusyong pansiyensiya, sa 31 lalawigan, rehiyong awtonomo, at municipal city ng bansa. Ang Beijing, Shanghai, at Zhejiang ay nasa unang tatlong puwesto sa naturang 31 rehiyon.
Ipinahayag ng nasabing awtoridad, na ang mga dayuhang estudyante ay galing, pangunahin na sa Timog Korea, Amerika, Thailand, India, Rusya, Pakistan, Hapon, Kazakhstan, Indonesya, at Pransya. Samantala, mas malaki ng 6.5% at 19.47% ang bilang ng nasabing mga estudyante mula sa Asya at Aprika noong 2015 ayon sa pagkakasunod, kumapara sa 2014, dagdag pa sa estadistika.