Naitatag kahapon, Lunes, ika-18 ng Abril 2016, sa Beijing ang "Belt and Road" Media Cooperation Union.
Ang unyong ito ay naglalayong palakasin ang kooperasyon ng mga media organization ng mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Layon din nitong palaganapin ang mga impormasyon hinggil sa Belt and Road, at pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng mga bansa. Kalahok dito ang 17 media organizations mula sa mga bansang kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Singapore, Mongolia, at iba pa.
Salin: Liu Kai