Binuksan nitong Lunes, Abril 18, 2016 sa Kuala Lumpur, Malaysia ang 2016 Defence Services Asia. Lumahok sa pagtitipong ito ang 60 bansa't rehiyon ng daigdig, na kinabibilangan ng mga bagong kalahok na gaya ng Rusya, Ukraine, United Arab Emirates, Belarus, Canada, at iba pa.
Bilang isa sa limang pangunahing eksibisyon para sa teknolohiyang pandepensa at sistemang panseguridad sa daigdig, idinaraos ang eksibisyong ito sa Malaysia, kada dalawang taon, mula noong 1988.
Ipinahayag ni Hishammuddin Hussein, Ministrong Pandepensa ng Malaysia na bukod sa pagsisikap mula sa host ng eksibisyon, ang mahalagang geography position ng Malaysia at lumulubhang banta ng digmaan sa buong mundo ay nagsisilbing pangunahing dahilan sa pagtatagumpay ng nasabing eksibisyon.