|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Isinapubliko kahapon ng kauna-unahang theme park sa mainland Tsina-Shanghai Disney Resort ang espesyal na menu bilang pagsalubong sa mga bisita mula sa loob at labas ng bansa.

Nakatakdang magbukas ang nasabing resort sa ika-16 ng Hunyo at kabilang dito, ang dalawang themed hotels at anim na "lands" kasama ng 600 hanggang 1000 canteens at restaurants.

Ayon kay Paul Chandler, Direktor ng Food and Beverage Department ng resort, ang mga pagkain na kanilang ipinagkakaloob ay Shanghai cuisine na may elemento ng Disney.

Bukod dito, isinaalang-alang din nila ang mga bisita mula sa iba't ibang probinsya ng bansa. Ang mga rehiyonal na putahe ay inilakip din sa menu. Halimbawa, putahe ng Sichuan, Shandong Cantonese at Hunan.

Mickey Chocolate Tart

Braised Pork Knuckle in Dark Soy sauce

Donald Duck Waffle

Beijing Duck Pizza
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |