|
||||||||
|
||
PERSONAL ang naging direktiba ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa usapin ng apat na hostages ng Abu Sayyaf at palayain agad ang mga binihag ng mga armado kamakailan.
Ani Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., nag-utos na si Pangulong Aquino kay Acting AFP Chief of Staff Lt. General Glorioso Miranda at PNP Director General Ricardo Marquez na magsagawa ng kaukulang operasyon laban sa mga armado at iligtas ang hostages.
Magugunitang dinukot ng Abu Sayyaf ang apat katao samantalang na sa Samal Island at nagbabalang pupugutan ang isa sa mga bihag kasunod military operations laban sa kanilang mga kasama sa Basilan at Sulu.
Sa isang video na inilagay sa Youtube na isa sa mga hostages ang pupugutan ngayong Lunes sa ganap na ikatlo ng hapon. Wala pang impormasyon kung natuloy ang pagbabanta.
Ani Secretary Coloma, mayroong 400 mga Abu Sayyaf at mga kabilang sa mass base ang sangkot sa insidente.
Hinilingan din ang mga pamahalaang lokal na makipagtulungan sa joint task group upang matiyak ang kaligtasan ng mga bihag.
Humihiling ng P 4 bilyon ang mga Abu Sayyaf upang mapalaya sina John Ridsel at Robert Hall na kapwa Canadians at isang Kjartan Sekkingstad at isang Filipina na nakilalang si Marites Flor. Katipan umano ni Sekkingstad si Flor.
Nakita sa video na humihingi ng tulong ang mga Canadian national sa kanilang pamahalaang bayaran na ang ransom.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |