|
||||||||
|
||
Nagpulong nitong Biyernes, April 29, 2016, sa Kenya ang mga pangulo ng Kenya, Gabon at Uganda para talakayin ang mas magandang pangangalaga sa mga maiilap na elepante sa Aprika.
Sinabi ni Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya na ang iligal na pagpatay, pagkasira ng kapaligiran at pagbabago ng klima ay pangunahing dahilan ng pagliit ng bilang ng mga maiilap na elepante. Nanawagan siya sa iba't ibang bansa na gamitin ang mga aktuwal na aksyon para pangalagaan ang nasabing mga hayop.
Ipinahayag ni Pangulong Yoweri Museveni ng Uganda na dapat pahigpitin ang pangangasiwa sa pamilihan ng mga produkto ng maiilap na hayop at bawasan ang pangangailangan sa mga ito para mas magandang pangalagaan ang mga elepante. Dagdag pa niya, dapat mapawi ang korupsyon at mabawasan ang kahirapan sa mga bansang Aprikano para ibayo pang mapawi ang talamak na pagpatay sa mga elepante.
Nanawagan naman si Pangulong Ali Bongo Ondimba ng Gabon sa iba't ibang bansa na magbahaginan ng karanasan sa pangangalaga sa mga maiilap na hayop.
Ayon sa datos na inilabas sa pulong na ito, mula 2002 hanggang 2011, lumiit ng 62% ang bilang ng mga maiilap na elepante sa Aprika. Mula 2010 hanggang 2012, pinatay ang halos 100 libong elepante sa Aprika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |